MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang pulis-Quezon City makaraang ambusin ng apat na hindi nakikilalang lalaki na nakasakay sa dalawang motorsiklo sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si SPO4 Eduardo Torio, nakatalaga sa Task Force Commonwealth Office ng QC Hall.
Si Torio ay nagtamo ng 22 tama ng bala sa kaÂtawan at ulo buhat sa kalibre .45 baril.
Sa report ni PO3 Jason Tolentino, desk officer ng QCPD-PS 6, ganap na alas-8:30 ng umaga nang tambangan at ratratin ang pulis ng apat na suspect na pawang nakasuot ng helmet sa may Kalayaan-B, Batasan Hills, Quezon City.
Minamaneho noon ng biktima ang kanyang owner type jeep papasok sa trabaho nang biglang harangin ng mga suspect sa may Kalayaan St. at saka pinaulanan ng bala.
Nang masigurong wala nang buhay ang parak ay mabilis na pinaharurot ng mga suspek ang kanilang motorsiklo at agad na tumakasÂ.