MANILA, Philippines - Sugatan ang isang opisÂyal ng Manila Police District makaraang mabaril sa pagresÂponde sa reklamo ng carnapping sa Tondo, Maynila, kahapon ng maÂdaling-araw.
Tumagos umano ang bala mula sa kanang hita sa kaliwang hita nang paputukan ng hindi pa natukoy na suspect ang hepe ng Police Community Precinct ng MPD-station 2, na si Senior Inspector William SantosÂ. Ginagamot siya sa Gat Andres Bonifacio MeÂmorial Medical Center (GABMMCÂ).
Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Supt. Jackson Tuliao, hepe ng nasabing istasyon, bandang alas-3:25 madaling araw nang maganap ang insidente sa MaÂsangkay St., malapit sa Estero de Magdalena sa Tondo.
Nabatid na matapos maÂkatanggap ng tawag hinggil sa insidente ng carnapping sa lugar ay nagtungo doon ang naÂsabing opisyal, kasama ang ilang tauhan subalit pagsapit nila sa lugar ay sinalubong umano sila ng putok ng baril na nagmula sa Estero de Magdalena at siya ang minalas na masapul.
Nagsasagawa pa ng follow-up operation sa insiÂdente upang matunton ang kinaroroonan ng tumakas na suspect.