2 lalaking may ‘putok’, huli sa deodorant

MANILA, Philippines - Dahil sa ayaw magkaroon ng ‘putok’ sa kili-kili, na­gawang magnakaw ng mga deodorant ng dalawang binatilyo sa isang convenient store subalit agad ding naaresto  sa Caloocan City kamakalawa.

Nakakulong sa Caloocan City Police ang mga suspect na si   John Romeo Peralta, 16,  ng Milagrosa St., at Rudy Alforte, 18,  ng Ipil Alley kapwa taga-Bagong Barrio ng naturang  lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-3:40 ng hapon, pumasok at nagpanggap na mga customer ang mga suspect sa 7/11 convenience store sa Benin St., ng na­turang  lungsod.

Nakita sa CCTV camera  ang ginawang pang-uumit ng mga suspect ng mga body deodorant na agad na pinasita sa naka-duty na guwardya.

Paglabas ay nabawi ang mga inumit bago dinala sa presinto ang mga ito.

Show comments