MANILA, Philippines - Sinuspinde ni Makati Mayor Junjun Binay ang “anti-smoke belching operations†ng Makati Pollution and Control Office (MPCO) dahil sa maraming sumbong ng talamak na pangongotong umano ng mga enforcers sa mga motorista sa lungsod.
Inatasan na ni Binay si Office of the City Administrator head, Atty. Eleno Mendoza na magsagawa ng imbestigasyon sa mga sumbong habang hinikayat ang mga motorista na nabiktima ng mga tiwaling enforcers na maglagak ng kanilang reklamo upang masolusyunan ang problema at mapanagot ang mga may-sala.
Nakarating kay Binay ang mga reklamo makaraang duÂmagsa ang mga sumbong ng katiwalian sa mga enforcers sa kanilang Twitter accounts na: @MakatiTraffic at @MakatiInfo; maging sa kanilang Facebook account at iba pang blogspots.
Ayon sa alkalde, natagpuan rin na hindi naman maipatupad ng maayos ng MPCO ang isinasaad ng lokal nilang City Ordinance no. 2004-032 o Makati City Vehicle Emission Control at Clean Air Act of the Philippines o RA 8794.
Kabilang sa mga sumbong ay ang kagaspangan ng ugali tuwing nagsasagawa ng roadside emission testing, labis na pagtapak ng madiin at matagal sa silinyador ng sasakyan, harassment at pangongotong. Isa pang reklamo ay ang hindi umano pagpansin ng mga enforcers sa mga “smoke belchers†na mga pampasaherong jeep at bus na dumaraan sa lungsod.
Bukod dito, ipinasasailalim rin ang mga traffic enforcers ng MPCO sa “re-training†upang maibalik sa kanilang utak ang tunay nilang trabaho at serbisyo sa publiko.
Habang nakasuspinde ang “anti-smoke belching opeÂrations†sa lungsod, nanawagan naman si Binay sa mga motorista na patuloy na maging responsable sa maayos na pagmimintina ng kanilang mga sasakyan at hindi mag-ambag sa matinding polusyon na nararanasan na ng Metro Manila.