Parak kritikal sa boga ng kapitbahay

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang isang 41-anyos na miyembro ng Southern Police District matapos barilin ng kanyang kapitbahay habang nakikipagkuwentuhan, sa Parola Compound, Tondo, Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa In­tensive Care Unit (ICU) ng Mary Johnston Hospital, ang biktimang  si PO2 Rory Jay  Fer­nandez,  nakatalaga sa Makati Police District at residente ng Gate 2 Parola Compound, Tondo.

Isang alyas Roland  ang inginungusong res­ponsable sa pamamaril, na agad tumakas nang makitang duguan ang biktima.

Sa ulat ni SPO1 Gabriel Torres, ng Manila Police District-Moriones Police Station 2, dakong alas-6:20 ng gabi  nang maganap ang  insidente sa Gate 4 ng Parola Compound habang nakikipagkuwentuhan umano ang biktima sa ilan pang kapitbahay nang biglang lumutang ang suspect at mabilis na pinagbabaril ang biktima.

Isa sa motibong tini­tingnan ay ang da­ting alitan ng suspect at biktima at ang madalas umanong pagpapaputok ng biktima ng baril kung nalalasing.

 

Show comments