MANILA, Philippines - Ang mga nakatiwang-wang umano na hukay ng Department of Public Works and Highways ( DPWH) ang sinisisi ng mga commuters kung kaya’t nagkakabuhul-buhol ang daloy ng trapiko sa ilang lugar sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa commuter na si Josper Dantes, estudÂyante, mula Tomas Mapua hangÂgang sa Sta. Cruz, ay inaabot siya ng halos dalawang oras dahil sa iisang linya lamang ang maaaring daanan ng mga private at public vehiclesÂ.
Aniya, sinakop ng mga hukay ang kalsada na lubhang nagpapasikip ng daloy ng mga sasakyan.
Aniya, bagama’t sapat ang mga traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau sa pamamahala ni Carter Don Logica, mas makatutulong kung agad na kukumpunihin ang mga hukay lalo pat dagsa ang tao ngayong Pasko.
Gayundin ang hinaing ng ni Paul Lope na dumaraan sa Blumentritt St. sa tapat ng Chinese General Hospital. Aniya, sobra ang sikip ng daloy ng sasakyan lalo na kung rush hour. Hindi na gumagalaw ang sasakyan lalo na kung umuulan dahil sa malaki ang sakop ng mga hukay.