^

Metro

Obrero patay sa kabaro

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tama ng saksak sa mukha at bewang ang tumapos sa buhay ng isang construction worker makaraang pagsasaksakin ng kanyang kabaro sa isang inuman sa lungsod Quezon, iniulat kahapon. Namatay habang  isinusugod sa  ospital ang  biktimang si Marvin Sison, 34, biyudo at residente sa Brgy. Tandang Sora ng nabanggit na lungsod habang mabilis namang tumakas ang suspect na si Gorio Vertucio.

Ayon kay PO2 Marlon dela Vega, nangyari ang insidente sa may harap ng barracks ng biktima na matatagpuan sa Gloria Vista I Subdivision, Brgy. Tandang Sora, ganap na alas-5:30 ng gabi. Sabi ni Dela Vega, kapwa mga empleyado ng PR Fetalvera Construction Company ang biktima at suspect at stay-in sa naturang subdivision. Diumano, bago ang insidente, nag-iinuman­ ang biktima at suspect kasama ang ilang katrabaho sa lugar nang kalaunan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Dahil kapwa lasing, hindi nagkaunawaan ang dalawa hanggang ang pagtatalo ay nauwi sa pagsusuntukan. Nasa kainitan ng suntukan ang dalawa nang biglang umalis ang suspect at kumuha ng patalim sa loob ng barracks at saka binalikan ang biktima at sinaksak sa katawan at mukha.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

DAHIL

DELA VEGA

FETALVERA CONSTRUCTION COMPANY

GLORIA VISTA I SUBDIVISION

GORIO VERTUCIO

MARVIN SISON

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with