P.5-M tangay sa turistang Hapones

MANILA, Philippines - Halos  kalahating milyong piso ang katumbas ng Japa­nese yen na natangay sa isang turistang Hapones ng riding-in-tandem, nang  hablutin ang kanyang bag habang naglalakad sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa idinulog na reklamo sa Manila Police District-General Assignment Section, ng biktimang si Takuya Katsuyama,35, ng  Pearl Garden hotel sa Taft Avenue, Ermita, dakong alas- 9: 00 ng gabi nang dikitan umano ang dayuhan ng riding in tandem habang naglalakad sa panulukan ng Pedro Gil at Roxas Boulevard  sa Ermita at hinablot ang kaniyang bag na naglalaman ng nasabing salapi at cellphone.

Masama ang loob ng biktima, batay sa interpreter na kasama nito, dahil wala man lamang umanong nakitang pulis na nagbabantay sa lugar para mahingan ng saklolo.

 

Show comments