Milyong shabu, baril nasabat ng NBI

MANILA, Philippines - Umabot sa milyong halaga ng shabu at marijuana bukod pa ang iba’t ibang klase ng mga high powered na mga baril ang nasabat ng grupo ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Atty. Ross Jonathan Galicia – team leader­ ng Raid Reaction Arrest Interdiction Division ng NBI, nakumpiska nila ang mga shabu at marijuana bukod pa ang iba’t  ibang klase ng baril sa bahay mismo ng mga suspek na sina Jeffrey Villanueva at Gloria Pementera sa Simoun corner Prudencio st., Sampaloc.

“Marami kaming nakuhang shabu, more or less ang value nito million of peso, and we are to recover assorted high powered firearms long and short,”  ani Galicia.

Ayon pa kay Atty. Galicia  na may iba pang  suspect na nakatakas subalit kakasuhan pa rin nila ito.

“Yes we are going to file charges of violation of RA 9165 yung drugs, and then PD 1806 yung sa baril and may bookies kasing nakuha mga paraphernalias sa bookies were also going to file illegal gambling,” dagdag ni Galicia.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbentaryo ng NBI sa bahay ni Villanueva dahil may nakita pa ang NBI na mga tanim na marijuana na nakalagay pa sa pasong plastic.

Show comments