Obrero dedo sa kuryente
MANILA, Philippines - Namatay sa mismong construction site ang isang 49-anyos na mason nang aksidenteng mapahawak sa nakabukas na live wire sa itinatayong gusali sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang biktima na si Mariano Tamidles, empleÂyado ng ITP Construction Corp. at residente ng SamÂpaguita St., Happy Land, Tondo, Maynila.
Sa ulat ni SPO2 Marlon San Pedro ng MPD-Homicide Section, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa hallway sa 4th floor ng Building 12, Paradise Heights, Permanent Housing, Rodriguez St., Balut, Tondo.
Nauna rito, nagseseÂmento ang biktima sa naturang floor ng ginagawang building na pinaniniwalaang aksidenteng nahawakan nito ang isang live-wire na umano’y hindi maayos ang pagkakakabit.
Sinabi naman ng anak na si Bernalyn Daban, 20, wala naman umano silang planong magsampa ng reklamo laban sa construction company.
- Latest