Kelot tinarakan, utas sa pinsan

MANILA, Philippines - Patay ang isang 25-anyos na empleyado matapos na tarakan ng saksak ng kanyang sariling pinsan habang natutulog sa loob ng kanilang kuwarto sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Pasig City General Hospital ang biktimang si John Jonathan dela Paz, na residente ng 4th St., Acacia, Brgy. Pinagbuhatan bunsod nang tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, isinuko naman ng kanyang mga kaanak ang suspek na nakilalang si Ronald Roxas, 19, factory worker, residente rin sa naturang lugar.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi sa loob ng kuwarto ng magpinsan.

Nauna rito, natutulog ang biktima sa kanilang kuwarto kasama ang suspek, nang bigla na lamang itong pagsa­saksakin ng huli.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit patay na ito habang isinuko naman sa pulisya ang suspek.

Inaalam na ngayon ng pulisya kung posibleng guma­gamit ng illegal na droga ang suspek dahil sinasabing ilang araw na umano itong walang tulog kung kaya nagawa ang krimen.

Show comments