^

Metro

Totoy dedo sa bigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 14 -anyos na batang lalaki ang nagbigti sa loob ng kanilang bahay, matapos na umano’y maglaro ng bigti-bigtihan ng kanyang kapatid, kamakalawa ng gabi sa lungsod Quezon.

Kinilala ni PO3 Erickson Isidro, ang nasawi na si John Mark Daguplo, residente ng Adelina Farm, San Roque 1, Brgy. Bagong Pagasa sa lungsod.

Ayon kay Isidro, naniniwala umano ang mga magulang ng biktima na hindi nagpakamatay dahil sa problema ang binatilyo dahil wala naman anya silang alam na rason kung bakit niya ito gagawin.

Nabatid ng imbestigador mula sa mga magulang na ang biktima ay umaarte lamang sa kanyang mga kapatid na binibigti ang sarili habang naglalaro.

Bukod dito, nalaman din ni Isidro na ang biktima at kapatid nito ay naglalaro ng bigti-bigtihan matapos na isang kapitbahay nilang babae ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti matagal na panahon na ang nakakalipas.

Lumilitaw na si John ay natagpuang nakabigti, ganap na alas-6 ng gabi sa loob ng bahay ng kanyang half brother na si JR Zaragasa, 9-anyos.

Sabi ni Zaragasa sa imbestigador na siya at si John lamang umano ang tanging naroon sa kanilang bahay nang oras na iyon. Diumano, nanood siya ng telebisyon, pero hindi niya napuna kung ano ang ginagawa ng biktima.

Nang marinig umano niya ang tila sumisinghap, agad na lumingon si Zaragasa kung saan niya nakita ang biktima na nakabitin sa kisame gamit ang kumot na ipinulupot sa kanyang leeg.

Agad na lumabas ng bahay si Zaragasa at humingi ng tulong  sa kapitbahay bago tuluyang itinakbo ang biktima sa East Avenue Medical Center (EAMC) kung saan ito idineklarang patay.

ADELINA FARM

AYON

BAGONG PAGASA

BIKTIMA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ERICKSON ISIDRO

ISIDRO

JOHN MARK DAGUPLO

SAN ROQUE

ZARAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with