Kinalasan ng nobya, nagbigti
MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 19-anyos na lalaki na sinasabing kinalasan ng kanyang nobya matapos itong magbigti kamakalawa ng gabi sa Barangay Marulas, Valenzuela City.
Naisugod pa sa Fatima Medical Center subalit idineklarang patay si Padz Espadillon ng La Huerta Street sa nasabing lungsod.
Sa ulat ng Valenzuela City PNP, huling namataang buhay ang biktima na nag-iisa sa kanilang bahay matapos makipag-away at kalasan ng kanyang nobya.
Bandang alas-10 ng gabi nang makitang nakabitin ang biktima sa pinagagawang kulungan ng manok sa tabi ng kanilang bahay.
- Latest