^

Metro

Kelot sinundo ni kamatayan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 43-anyos na miyembro umano ng Commando Gang ang binaunan ng bala sa ulo ng isa sa tatlong lalaki na sumundo sa kanya  habang nagkakape, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Henry Nacion, binata , dating porter at residente ng #902 Pier 2, North Harbor, Tondo.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:00 ng umaga  nang maganap ang nasabing pamamaril, hindi kalayuan  sa bahay ng biktima sa Slip Zero , Apex, Pier 2, North Harbor, Tondo.

Nagkakape umano ang biktima sa kanyang barung-barong, nang sunduin  ng tatlong lalaki.

Hindi nagtagal ay may narinig na umanong putok ng baril at nakitang may tama ng bala sa likod ng ulo ang biktima na wala ng buhay.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente para matukoy ang motibo at pagkilanlan ng salarin na armado umano ng kalibre .45.

Ang biktima ay dati na umanong nakulong sa kasong robbery­.

COMMANDO GANG

HENRY NACION

ISANG

KINILALA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIO ASILO

MAYNILA

NORTH HARBOR

SLIP ZERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with