MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na personal silang magtutungo ni Manila Vice Mayor isko Moreno sa Hong Kong sa sandaling makumpleto ang monetary compensation para sa pamilya ng mga biktima ng 2010 Manila hostage crisis.
Ayon kay Estrada, umaÂapela pa siya sa kanyang mga kaibigan na tulungan silang makalikom ng sapat na halaga upang maibigay sa mga pamilya ng biktima ng hostage crisis ang marapat na compensation.
Sinabi ni Estrada na dapat pa ring ibalik ang magandang relasyon ng Pilipinas at Hong Kong dahil marami pa ring mga Overseas Filipino Workers ang maapektuhan sakaling hindi mapagbigyan ang mga kahilingan ng mga pamilya.
Sinabi ni Estrada na hindi umano siya mahihiyang humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan at handa siyang ibigay ang kanyang buhay maging ito man ay turista.
Subalit ayon kay Manila 3rd district Councilor Bernie Ang, ang kinatawan ng Manila government na tumungo sa Hong Kong noong Oktubre 23 nais pa rin ng mga pamilya na mismong si Pangulong Benigno Aquino ang dapat na humingi ng paumanhin dahil pawang mga national officials ang sangkot sa nabanggit na insidente.
Ito aniya ang nakasaad sa De Lima report kung saan may mga lapses ang ilang government officials kung kaya’t nangyari ang pagkamatay ng walong Chinese noong Agosto 2010 sa Luneta.
Iginiit din ni Ang na nais na ipaliwanag ng Chinese na nangyari ang insidente sa administrasyon ni PNoy.
Matatandaan na tinanggap na ng chinese governÂment ang ‘sorry’ ng city goÂvernÂment of Manila subalit nais din nilang mag’sorry sa kanila si PNoy.