MANILA, Philippines - Hinihinalang ang away niya sa kanyang misis ang nagtulak sa isang kusinero upang kitlin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanyang bahay, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Nakilala ang nasawi na si Arvie Ramos, kusinero sa isang lodging house at residente ng Taylo St., ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Pasay Police, dakong alas-5 ng maÂdaling-araw nang matuklasan ang nakabigting bangkay ni Ramos sa loob ng kuwarto sa kanyang bahay.
Nabatid na unang nag-away ang biktima at ang misis nito na si Julie Ann Oricio, 28, dakong ala-1 ng madaling-araw sa hindi pa mabatid na dahilan.
Natagpuan naman sa loob ng bahay ang wasak na cellular phone ng biktima at ilang bote ng beer tanda na nag-inom muna ito ng alak bago nagpatiwakal. Wala namang natagpuang “suicide note†buhat sa biktima habang wala ring ibang sugat sa katawan maliban sa marka ng lubid sa leeg nito.
Halos hindi naman makausap ng mga awtoridad si Julie sa naganap na insidente.