MANILA, Philippines - Patay ang isang security guard at isang taxi driver matapos na barilin ng umano’y isang miyembro ng Special Action Force ng PhilipÂpine National Police (SAF-PNP) sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.
Base sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit, kinilala ang mga biktima na sina Danilo Landasan, 50, Security guard ng AFM Watchman Protective Agency at si Angelito Bernabe, 48, ng Katuparan St. Brgy. Batasan Hills sa lungsod.
Sila ay kapwa binaril ng suspect na si PO1 Joseph Kimayong, 29; na miyembro ng SAF sa Sta. Rosa, Laguna sa magÂkahiwalay na lugar.
Sa ulat ni PO2 Jogene Hernandez, nangyari ang unang insiÂdente sa binabantayang gusali ni Landasan sa may City Venture Bldg. na mataÂtagpuan sa 16 East Avenue Magalang St., Brgy. Pinyahan, ganap na ala-1:45 ng madaling-araw.
Ayon sa saksing si Alger Panoga, natutulog umano siya malapit sa lugar nang magising sa ingay ng dalawa na nag-uusap sa main gate ng gusali.
Kasunod nito, sabi pa ng saksi ay nakita niya ang dalawa na pumasok sa gate hanggang sa marinig na lang nito ang mga putok ng baril.
Mula doon ay lumabas umano ang suspect na may bitbit ng baril saka pumara ng taxi subalit dahil walang humihintong taxi ay nagpasya itong sumakay ng pampasaherong bus.
Pero, ayon naman kay PO2 Hernandez, hindi pa nakakalayo ang bus ay bumaba ang suspect at pinara ang taxi (UVB-852) na pinapasada ni Bernabe.
Pagsapit sa East AvenuÂe corner BIR road ay nagkaroon ng pagtaÂtalo ang dalawa hanggang sa barilin din ng pulis ang driver sa ulo.
Tiyempo namang may nagpapatrulyang mobile patrol sa lugar at nang marinig ang naturang putok ay agad na rumesponde kung saan naÂabutan pa ang suspect na nadadaganan ng biktimang driver saka inaresto.
Ang suspect ay nasa pangangalaga na ng Quezon City Police District para sa kaukulang desposisyon.
Dagdag ni PO2 Hernandez, ikinakatwiran umano ng pulis na wala siyang nalalaman sa pangyayari dahil may kasama umano siyang sibilyan na siyang may gawa nito, bagay na hindi naman nila kinaÂkagat ng mga imbesÂtigador.