MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng ilang produktong petrolyo ng mga kompanya ng langis dahil sa panibagong galaw sa presyo nito sa internasyunal na pamilihan.
Dakong alas-6 ng umaga nang sabay-sabay na magpaÂtupad ng dagdag-presyo ang Pilipinas Shell, Petron CorpoÂration, at Chevron Philippines. Inaasahan naman na susunod dito ang iba pang oil players sa bansa.
Nasa 35 sentimo kada litro ang itinaas ng mga ito sa presyo ng diesel at 20 sentimo naman sa kada litro sa kerosene. Wala namang paggalaw sa presyo ng premium at unleaded gasoline.
Nilinaw naman nina Raffy Ledesma ng Petron at Ina Soriano ng Pilipinas Shell na hindi kasama sa panibagong pagtataas ng mga produktong petrolyo ang Cebu at Bohol na patuloy na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa tumamang malakas na lindol.