Opisyal ng Army, utas sa tandem

MANILA, Philippines - Patay ang isang opisyales ng Philippine Army makaraang barilin sa leeg ng riding- in-tandem suspect habang ang una ay nagpaparada ng kanyang motorsiklo sa Cubao, lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SPO1 Eric Lazo, ang biktima ay nakilalang si Staff Sgt. Ernesto R. Cle­mente Jr., 47.

Sabi ni Lazo, dalawang lalaki, isa sa mga ito ang armado ng baril ang tumira sa biktima at sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng St. Mary corner New York St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, ganap na alas- 8 ng gabi.

Sakay umano ng kanyang motorsiklo ang biktima at paparada sana sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang mga suspect at binaril ang una sa leeg. Matapos ang pamamaril ay agad na sumibat ang suspect papalayo at iniwan na lang walang buhay ang biktima.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo ng na­sabing pamamaslang.

Show comments