Nagtalo sa pagdu-duty: Sekyu dedo sa kapwa sekyu

MANILA, Philippines - Matapos magtalo hinggil sa oras nang palitan ng duty, isang guwardya ang binaril at napatay ng kapwa nito guwardya sa Navotas City kahapon.

Dead-on-arrival sa pagamutan sanhi ng tama ng bala sa kaliwang noo ang biktimang  si Rio Irinco,  guwardya  ng Cedric Corporation sa Gov. Pascual St., Brgy. San Jose ng naturang lungsod. Pinaghahanap naman ang suspek na  si Jhon Charlie Saguyong, kasamahang guwardya ng nasawi.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente   alas-10:15 ng umaga sa loob ng compound ng Cedric Corporation sa naturang lugar nang magtalo ang suspek at biktima hinggil sa oras ng relyebo nila ng duty sa binabantayan nilang kompanya.

Nagbunot ng baril ang suspek at ipinutok sa biktima bago tumakas habang dinala naman ang huli ng kanyang kasamahan sa kalapit na clinic pero hindi na naisalba ang buhay nito.

 

Show comments