Lolo nagbigti

MANILA, Philippines - Isang 63-anyos na lolo ang nadatnan na lamang walang buhay habang nakabigti sa loob ng kanilang tinutuluyan sa lungsod Quezon, kamakalawa. Kinilala ni PO2 Marlon Dela Vega, may-hawak ng kaso, ang biktima na si Buena­ventura Roldan, na naabutan na lamang ng kanyang anak at ka­ibigan na nakabitin sa hagdanan gamit ang alambre.

Lumilitaw na iniwan umanong mag-isa sa bahay ang biktima ng anak na si Christopher Roldan, 30 at Jihl Corpuz, 37 na nagpunta sa sementeryo. Pagkabalik ng dalawa, ganap na alas-7 ng gabi, nadatnan na lang nila ang matanda na naka­bigti sa hagdanan.

Agad na kinalag ng dalawa ang biktima mula sa pagka­kabitin saka sinubukang i-revive ito pero huli na ang lahat. Sabi ni Dela Vega, hindi naman makapagbigay ng dahilan ang pamilya sa tunay na dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

Show comments