MANILA, Philippines - Patay ang magkaÂpatid na lolo nang makulong sa nasuÂsunog nilang tahanan sa Marikina City, kahapon ng madaling-araw.
Ang mga biktima ay nakilalang sina FerÂnando Pantig, 74, isang retiradong pulis at ang kapatid nitong si Boy Pantig, 64.
Sa ulat ng Marikina Bureau of Fire ProÂtection (BFP), mahimÂbing ang tulog ng magkapatid sa kanilang bahay sa Russel St., SSS Village, Brgy. Concepcion Dos, gaÂnap na alas-2:00 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog.
Nakarinig pa umano ng pagsabog ang mga residente, na pinaniÂniwalaang mula sa suÂmabog na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG).
Ayon sa BFP, umaÂbot sa ikalawang alarma ang sunog at ganap na naapula ng alas-3:30 ng madaling-araw.
Sa isinagawang mopping operation na lamang natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng mga bikÂtima, kung saan si Fernando ay nakita sa loob ng kanyang kuwarto habang si Boy naman ay sa hagÂdanan, palaÂtandaang tinangka nitong luÂmabas ng bahayÂ.
Nabatid na walang ibang kasama sa bahay ang magkaÂpatid dahil ang anak ni Fernando ay nasa Australia habang ang mga kaanak nila ay nasa Laguna.
Inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog gayundin ang halaga ng mga naabong ari-arian.