Biktima ng salvage natagpuan

MANILA, Philippines - Isa na namang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang nakasilid sa garbage bag at tadtad ng tama ng saksak sa katawan sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw

Ang biktima ay isinala­rawan sa edad na 30-40, may taas na 5’3’’, katamtaman ang katawan, walang damit pang-itaas at may tattoo na lips sa kanang balikat at DP sa kanang kamay

Natagpuan ang bangkay sa may Aurora Blvd. flyover sa Brgy. Emmaculate Concepcion, ganap na alas- 12:30 ng madaling-araw.

Naglalakad umano ang isang Vincent Sulaya sa lugar nang makita ang isang itim na garbage bag sa may bangketa. Nang makita niya na may umaagos na dugo mula dito ay agad niyang ipinagbigay alam ito sa barangay.Sa pagsisiyasat ng awtoridad ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng saksak sa kanyang dibdib at bakas ng pagkakasakal sa kanyang leeg.

 

Show comments