Lalaking nagpahangin, binaril sa ulo, patay

MANILA, Philippines - Napatay ang 27-anyos na lalaki makaraang ratratin ng di-kilalang lalaki sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Sto. Tomas, Pasig City kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng Criminal Investigation Section ng Pasig City PNP, ang biktima na si Minsuari Imam, 27, ng Muslim Compound, Baltazar St., Barangay Sto. Tomas. Sa inisyal na ulat ni PO3 Al Alvarez, kata­tapos pa lamang mananghalian ng biktima nang lapitan at pagbabarilin sa ulo habang nagpapahangin sa bakuran ng kanyang bahay.

Show comments