MANILA, Philippines - Nasunog ang isang eskwelahan sa lungsod ng Maynila kung saan bumoto si Manila Mayor Joseph Estrada sa idinaos na barangay elections kahapon.
Gayunman, sa ulat ng Arson Investigation ng Manila Fire Bureau, hindi naman naÂapektuhan ang eleksiyon doon dahil inilipat sa ibang silid ang polling precincts, na dapat sana ay gaganapin sa mga nasunog na silid na Rooms, 201, 202, 203 at 204, na pawang nasa ikalawang palapag ng nasabing paaralan.
Umabot sa ika-3 alarma ang sunog na nagsimula dakong alas- 9:53 at idineklarang fire-out bandang alas- 10:31, gayunman apat na silid ng nasabing eskwelahan na matatagpuan sa panulukan ng Atura at Buenos Aires Sts., sa Sta. Mesa, Maynila. Tinatayang aabot sa P500-libo ang naabong kagamitan.
Hindi pa umano tapos ang imbestigasyon kung paano nagkaroon ng sunog, bagamat hinihinalang may naiwang nakabukas na bentilador na uminit na nagsimula ng sunog.