Retrofitting dapat sa mga gusali – City Bldg. Official

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni  Manila City Building Official Engr. Juan Capuchino na may ilang mga  gusali  sa lungsod ang nangangailangan ng  retrofitting.

Gayunman, sinabi ni Capuchino na kailangan na mang­galing sa mismong may-ari ng mga gusali ang  request kung dapat na pagsagawaan ng retrofitting ang  bahagi ng gusali.

Ang retrofitting ayon kay Capuchino ay pagpapatibay ng  bahagi ng  gusali upang maiwasan na gumuho sakaling  magkaroon ng malakas na lindol.

Gayundin sa mga paaralan, dapat na hilingin ng  mga school principal ang retrofitting bago kumilos ang tanggapan ng city hall.

Ayon kay Capuchino, magsasagawa sila ng inspeksiyon sa mga  gusali upang malaman kung  ligtas  pa ito.

Aniya, kailangan na unahin ng lungsod ang kaligtasan ng publiko laban sa anumang   aksidente.

Maging ang mga dormitoryo aniya ay dapat ding ma­inspeksiyon  dahil kaligtasan ng mga estudyante ang nakasalalay dito.

Show comments