^

Metro

Shell nag-rollback sa presyo ng petrolyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatupad ng rolbak ang Pilipinas Shell sa kanilang mga produktong petrolyo, simula ngayong araw ng Linggo.

Sa anunsyo ni Bobby Kanapi, tagapagsalita ng Shell, epektibo ang rolbak dakong alas-12:01 kagabi.

Sinabi ni Kanapi na bumaba umano ang presyo ng inaangkat nilang langis sa internasyunal na merkado kaya sila nagpapatupad ng rolbak.

Nabatid na nasa  40 sentimos  sa kada litro sa premium at unleaded gasoline ang natapyas,  45 sentimos  naman sa kada litro sa kerosene at 50 sentimos kada litro sa diesel, sa mga buong bansa maliban sa Cebu at Bohol.

 Sa Cebu at Bohol na nasa “state of calamity” dahil sa tumamang lindol, nasa  sentimos sa kada litro ang tatapyasin nila kada litro sa kerosene,  20 sentimos sa kada litro sa premium at unleaded gasoline at 50 sentimos sa kada litro ng diesel. 

Ang mas mababang rolbak umano ay dahil sa hindi nakasama ang dalawang lalawigan sa ginawa nilang dagdag-presyo noong nakaraang Martes sa gasolina at kerosene.

Wala pa namang anunsyo ang ibang kumpanya ng langis ngunit inaasahang susunod rin ang mga ito sa galaw ng Shell upang makasunod sa kumpe­tisyon.

 

BOBBY KANAPI

BOHOL

CEBU

KADA

KANAPI

LITRO

PILIPINAS SHELL

SA CEBU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with