MANILA, Philippines - Patay ang isang police major makaraang tambangan ng hindi pa kilalang mga suspek sa Brgy. Pansol, Quezon City,kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Police Chief InsÂpector Romeo Ricalde Jr., hepe ng Special Operations Unit ng Northern Police District.
Sinasabing pauwi na sana ang biktima lulan ng kanyang sasakyan na SUV (NLI-902) nang paulanan ng bala ng baril ng apat na mga suspek sakay ng motorsiklo.
Ayon kay Bernadette, asawa ng biktima, maraming natatanggap na death threats ang asawa at may hinala siyang may kinalaman sa trabaho ng kanyang mister ang krimen.
Idinagdag pa nito na mayroon ding kapwa pulis ang kagalit ng asawa at kilala nila ang suspek sa naturang pamamaril.
Narekober naman ng mga awtoridad ang M-14 armalite sa lugar ng insidente.
Patuloy pa rin ang pagbusisi ng QC police sa naturang krimen.