MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang 28-anyos na babae na napagkamalang police asset ng hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Veronica Aure, 28, ng 20 Parola Compound, Tondo, Maynila.
Ayon sa ulat, naglalakad umano ang biktima nang barilin sa batok ng suspect na lumabas sa bahagi ng kaliwang mata.
Nabatid na napagkamalan umanong informer ng pulisya laban sa illegal drugs ang biktima kaya tinangkang itumba ng hindi nakilalang suspect.
Agad na isinugod sa Gat Andres Bonifacio HosÂÂpital kung saan siya ay kasalukuyan pa ring ginaÂgamot. Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya upang malaman ang pagkakakilanlan sa salarin.