Sunog sa Malabon 100 pamilya nawalan ng bahay

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan  at nasa milyong pisong­ halaga ng ari-arian ang naabo matapos tupukin ng apoy ang may 50 kabahayan dahil sa napabayaang niluluto sa Ma­labon City, ka­hapon ng umaga.

Base sa report ng Ma­labon City Bureau of Fire, alas-9:00 ng umaga nang bigla na lamang umapoy ang  bahay ng mag-asawang Wilma at Wilfredo sa Arasiti Village, Brgy. Tene­jeros ng nasabing lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing kabahayan dahil dikit-dikit at gawa  ang mga ito  sa light materials hanggang sa magputukan ang mga tangke ng gasul.

Mabilis namang rumes­ponde ang mga bumbero hanggang sa tuluyang  isa­ilalim sa under control ang insidente  alas-11 ng umaga na umabot sa ikalawang alarma.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa na­sa­bing insidente.

 

Show comments