2 drug pushers tiklo sa buy-bust sa QC

MANILA, Philippines - Dalawang drug pushers ang nadakip ng Quezon City Police District sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng QCPD- District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (DAID-SOTG) nakilala ang mga nadakip na sina Norodin Akob, 25, at Ronald Martin, 41.

Nadakip si Akob sa isang buy bust operation sa harap ng isang liblib na lugar sa Bukid Compound, Margarita St., Bgy. Gulod, Novaliches, Quezon City, ganap na alas 8:30 ng gabi.

Narekober sa suspect ang limang piraso ng plastic sachets na naglalaman ng shabu. Alas 10:30 ng gabi naman nang magsagawa ng buy bust operation ang DAID-SOTG laban kay Martin sa harap ng bahay nito sa #87 Mascardo St., Brgy.Milagrosa, Project 4, Quezon City. Nakuha dito ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Ang mga suspects ay nahaharap ngayon sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dan­gerous Drugs), Article II ng Comprehensive Dangerous­ Drugs Act of 2002.

Show comments