MANILA, Philippines - Himalang nabuhay ang isang hinihinalang paÂlaboy na lalaki makaraang makuryente at pumailalim pa sa umaandar na tren ng Metro Rail Transit (MRT) sa pagitan ng Cubao at Kamuning Stations sa Quezon City kahapon ng hapon.
Isinugod sa East Avenue Medical Center ang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasuot lamang ng berdeng short pants makaraang magtamo ng sugat sa ulo at sa dibdib.
Sa impormasyon buhat sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pasado alas-3 ng hapon nang biglang tumawid sa north-bound lane ng EDSA sa tapat ng New York Street ang biktima. Sinita naman ito ng mga tauhan ng MMDA ngunit umakyat ito sa bakal na bakod ng MRT.
Nahawakan umano ng biktima ang “high tension wire†na nagsusuplay ng kuryente sa mga tren kaya ito nalaglag at tumama ang ulo sa riles. Napahandusay sa gitna ng riles ang biktima habang tiyempong dumaan ang isang tren.
Tuluyang napailalim ang lalaki sa ilalim ng tumatakbong tren na huminto at nakapagpreno naman agad. Dito nakita ang biktima na nasa ilalim ng tren at unti-unting nailabas nang buhay. Mabilis itong isiÂnugod sa pagamutan.
Dahil sa insidente, naÂantala ang biyahe ng MRT ng higit sa 30 minuto na nagÂresulta sa pagka-stranded ng libu-libong pasahero sa mga istasyon mula Taft Avenue hanggang North Avenue.