MANILA, Philippines - Patay ang isang babaeng market admiÂnistrator matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naniÂÂningil ng mga renta sa loob ng palengke sa Valenzuela City, kamaÂkalawa ng hapon.
Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Juliana Lopez, 42, ng Cristobal St., Brgy. Karuhatan ng naturang lungsod at administrator ng Karuhatan Public Market.
Sa inisyal na report na nakarating sa tanggapan ni Senior Supt. RhodeÂrick Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente alas-4:00 ng hapon sa Karuhatan Public Market habang naniningil ang biktima sa mga tindera ng renta para sa kanilang pwesto nang biglang sumulpot sa likuran nito ang suspek na armado ng baril at saka malaÂpitan itong binaril sa ulo dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang inÂsidente ay mabilis na tumakas ang suspek.
Blangko pa ang puÂlisya sa motibo sa naganap na krimen habang masusi namang siniÂsiyasat ang insidente.