P.2 -M natupok sa sunog

MANILA, Philippines - Natupok ng apoy  ang may P.2 milyong halaga ng mga ari -arian  sa isang sunog na naganap sa Payatas,Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO2 Alejandro Camacho ng Quezon City Police District station 6 Batasan naganap ang sunog sa Kanlaon Mayon St., Brgy. Payatas, dakong alas- 11:55 ng gabi.

Sinabi sa ulat na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Edgardo Tuston matapos nitong iwan ang kanyang bahay na walang tao.

Makalipas ang ilang oras ay nagliyab na ito at mabilis na kumalat ang apoy sa ka­tabing bahay.

Ganap na-fireout ang sunog­ dakong alas-12:40 ng madaling araw. Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi sa naturang sunog.

Sinisiyasat na ng mga tauhan ng arson investigator ang pinagmulan ng sunog.

 

Show comments