VP Binay at Bistek namahagi ng lupa sa QC

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Vice President Jejomar Binay at Quezon City Mayor Herbert Bautista ang ginanap na turn-over ceremony sa may mahigit ng 200 brand-new housing units sa mga benepisyaryo ng  QC government’s Bistekville 2 housing project sa  Brgy. Kaligayahan sa naturang lunsod  na bahagi ng programa­ng pabahay ng lokal na pamahalaan.

Karamihan sa mga housing­ units ay  row houses na may sukat na  28 square meters kada isa kasama na ang isang loft structure. May kabuuang 703 row houses na may loft at 375 housing units na may  tatlong palapag o medium rise building ang naturang proyekto. 

Kasama sa naturang programa ang pagbibigay sa tatlong medium-rise buildings na kapapalooban ng 27 walk-up housing units upang ma-accommodate  ang mga pamilya ng informal settler na nakatira sa mga mapanganib na lugar tulad ng tabing-ilog at estero.

Ang Bistekville 2 ay ika­lawa sa unang dalawang  socialized in-city housing projects na naitayo para sagutin ang problema sa mga squatters sa lungsod.

Nais ni Mayor Bau­tista na makapagpatayo ng  3,000 units  kada taon na may halagang P1.2 billion  simula ngayong taon.

Kasama sa mga benepisyaryo ng pabahay na ito ay mga guro at  mga pulis sa lungsod, informal settler families na naapektuhan ng demolisyon sa may Tulla­han river.

Umaabot na sa  379 housing beneficiaries ang nakinabang sa Bistekville II mula nang simulan ang proyekto noong  September 2012.

 

Show comments