LRT 1 at 2 operational, kahit may bagyo

MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy ang operasyon ng Line 1 at 2 ng Light Rail Transit (LRT) sa kabila ng masamang panahon dahil sa bagyo.

Tiniyak ni LRT Authority (LRTA)  Spokesman Hernando Cabrera na hindi maa­apektuhan ng bagyo ang kanilang operasyon upang makapaglingkod pa rin sa mga mamamayan.

Ang bagyong Santi ay nanalasa sa bansa, partikular sa Central Luzon, matapos na mag-landfall sa Aurora ganap na alas-11:00 ng gabi ng Biyernes.

Sabado ng umaga nang mamamataan  ito sa West Philippine Sea at inaasahang tuluyang lalabas ng bansa kaninang umaga.

Dahil sa lakas ng hangin na dala ng bagyong Santi, maraming tahanan sa dinaanan nito ang nawalan ng bubong at marami ring mga puno ang nabuwal, pati na ang mga pananim na palay ng mga magsasaka na malapit na sanang anihin ngunit pininsala pa ng bagyo.

 

Show comments