Klase sa lahat ng level sa Maynila, suspendido bukas

MANILA, Philippines - Walang pasok bukas (Lunes) ang lahat ng antas ng paaralan sa lungsod ng Maynila.

Ito naman ang nabatid mula kay Diego Caga­hastian, Media Information Bureau chief ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Ayon kay Cagahastian pinirmahan ni Estrada ang Executive Order No.31  na naglalayong suspindihin ang klase sa lahat ng antas ng unibersidad, kolehiyo at maging sa elementarya.

Bunsod na rin  ito ng isa­sa­gawang dental at medical mission ng Felix Y. Ma­nalo Foundation,  Li­ngap Sa Mamamayan kung saan inaasahang lalahukan ng may 1.6 mil­yon participants sa iba’t ibang  lugar sa Metro Manila .

 

Show comments