MANILA, Philippines - Inaasahang aani ng maraming batikos buhat sa mga motorista ang plano ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagpapasara ng ilang ginagamit na mga “U-turn slots†sa ilang paÂngunahing lansangan sa Kamaynilaan.
Sa advisory na inilabas ng MMDA, uumpiÂsahan ang pagbuwag sa mga “u-turn slots†sa darating na mga araw sa patuloy na paghahanap umano ng solusyon sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko.
Kabilang dito ang u-turn slot sa Quezon Avenue sa pagitan ng Examiner at Scout Borromeo na permanente nang tatanggalin.
Isasara naman sa pagitan ng alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi ang u-turn slot sa may C-5 Eastwood; at C-5 – Katipunan-Boni Serrano u-turn slot tuwing alas-7 hanggang alas-10 ng umaga.
Aminado ang MMDA na maaaring ulanin sila ng reklamo ng mga moÂtoÂrista na nakasanayan nang gumamit ng naturang mga u-turn slot ngunit kailangan umanong gawin ito dahil sa nakikitang paraan para mapabilis ang daloy ng trapiko.
Samantala, papasukin na rin ng operasyon ng MMDA ang mga pampublikong palengke sa Metro Manila na panguÂnahing pinamamahalaan ng mga lokal na pamahalaan. Ito ay sa paglulunsad ng “Healthy Palengke†project sa Dagonoy Public Market sa San Andres, Maynila.
Iginiit ng MMDA na ang proyekto ay sa bisa ng Administrative Order 341 na pinirmahan pa ni dating Pangulong Fidel Ramos noon pang 1997 na nagsasaad ng “multi-sectoral†na mga programa para sa kalusugan.
Maglilinis umano ang mga tauhan ng Solid Waste Management Office, Metro Parkways Clearing Group at Flood Control and Sewerage Management office sa naturang palengke habang maglalagay din ng “mini-Materials Recovery Facility (MRF)†para hikayatin ang mga palengkero na mag-recycle ng mga basura.