^

Metro

Fastfood hinoldap: 2 utas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao kabilang ang isang guwardiya at isang holdaper ang nasawi sa  panghoholdap na naganap sa isang kilalang fastfood chain sa Bayan-Bayanan, Brgy. Concepcion Uno, Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang guwardiya na si Jericho Belarmino na napatay ng mga holdaper matapos tangkaing habulin ang mga suspek habang tumatakas ang mga ito.

Ang napatay namang holdaper ay kinilalang si Dan Anthony­ Contado, residente ng Zapote St., Caloocan City.

Batay sa ulat ng Marikina City Police, dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng isang kilalang fastfood chain sa General Ordoñez corner B.B. Avenue, Bayan-bayanan, Brgy. Concepcion Uno.

Nagpanggap umanong kostumer ang apat na suspek at nang makapasok sa loob ay saka dinisarmahan si Belarmino at kaagad na kinuha ang perang pakay mula sa mga kahera.

Nagawa naman ni Belarmino na makahiram ng baril mula sa guwardiya ng katabing convenience store at hinabol ang mga papatakas na suspek subalit agad siyang pinaputukan ng mga suspect na sanhi ng kanyang kamatayan.

Naaktuhan naman ng Special Reaction Unit ng Marikina Police ang insidente at napatay sa engkuwentro ang isa sa mga suspek.

Tuluyang nakatakas ang tatlo pang holdaper nang makapang-agaw ng isang taxi (UJO-644)  na malaunan ay inabandona rin ng mga ito sa bahagi ng East Drive.

Narekober mula sa taxi ang isang balisong at magasin ng baril na kalibre .45 pistola.

Patuloy na tinutugis ng mga pulis ang mga nakatakas na suspek.

vuukle comment

BELARMINO

BRGY

CALOOCAN CITY

CONCEPCION UNO

DAN ANTHONY

GENERAL ORDO

JERICHO BELARMINO

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with