Trike driver, inutas

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang tsuper ng dalawang hindi pa kilalang mga suspect habang namamasada ang una ng kanyang  tricycle sa Caloocan City kahapon.

Dead-on-arrival sa San Lorenzo Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Eduardo Beltran, 32,  ng Sierra Madre St., Mountain Heights Subdivision ng naturang lungsod.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police na naganap ang insidente alas-11 ng umaga sa Apo St., ng nasabing lugar. Habang namamasada ang biktima  ng kanyang tricycle at pagsapit nito  ng naturang lugar ay biglang sumulpot ang mga suspect  at walang sabi-sabing pinagbabaril ng mga ito ang una.

Kahit may tama ay nagawang mapasibat ng biktima ang dalang tricycle at madala ang sarili sa nasabing ospital habang tumakas naman ang mga suspect.

Inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng mga suspect sa pamamaril.

Show comments