MANILA, Philippines - Ipinagkibit-balikat lamang ni Manila 3rd District Councilor Let-Let Zarcal ang paghahain ng temporary restraining order ng mga transport group laban sa ipinatutupad na Resolution 48.
Ayon kay Zarcal, inaprubahan ng konseho ng Maynila ang nasabing resolusyon sa ilalim ng Traffic Management Code.
Ayon kay Zarcal, karapatan ng mga transport groups na ilahad ang kanilang mga saloobin at ihain sa korte ang kanilang ipinaglalaban.
Aniya nais lamang nilang ayusin ang trapiko sa lungsod ng Maynila na matagal ng problema na hindi nareresolba.
Pinabulaanan din ni Zarcal ang akusasyon na ginamit ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang kanyang posisyon upang maipasa ang nasabing resolusyon.
Sa katunayan umano ay nagkaroon ng konsultasÂyon hinggil dito kung kaya’t nakapagtataka umano na may sector na umaangal sa kanilang pinaiiral na batas.
Layunin aniya ni Moreno na mahuli ang mga kolorum na bus na mas lalong nagpapatindi ng pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan.
Matatandaan na pinawawalang bisa ng mga bus operators sa Manila Regional Trial Court (MRTC)ang Resolution 48 na nagbabawal sa pagpasok ng mga bus sa lungsod ng walang terminal.