Mister utas sa pinsan

MANILA, Philippines - Utas ang isang mister nang saksakin ito ng kanyang pinsan matapos magtalo sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Navotas Lying-in Clinic sanhi ng mga saksak sa katawan  ang biktimang si Mark Anthony Delgado, 29, nakatira sa  F. Pascual St., Wawa, Brgy. Ta­ngos ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Renato Ochoa, 45,  ng nasa­bing lugar at pinsan ng nasawi.

Ayon sa pagsisiyasat ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi habang nag-uusap  ang magpinsang Delgado at Ochoa. Naungkat umano ang dati na nilang away na humantong sa lalong mainitang pagtatalo.

Inawat naman ni Jenalyn,  kapatid ng nasawi ang da­lawa hanggang sa umuwi ang suspek,  subalit makalipas ang ilang sandali ay bumalik ito at walang salitang pinagsasaksak ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa nasabing klinika ang biktima, ngunit hindi na ito nakarating ng buhay­.

 

Show comments