2 bangkay lumutang sa ilog
MANILA, Philippines - Halos hindi na makilala at maga na ang buong katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki nang matagpuan sa Ilog Pasig sa kasagsagan ng ulan sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 20 hanggang 30, may taas na 5’2’’ hanggang 5’4’’, walang damit pang-itaas at nakasuot ng maong na short pants.
Dakong alas-9:00 ng umaga nang matagpuan ng isang Benjamin na nakaÂdestino sa Manila Boat Rowing Club sa #2243 Havanna St., Sta. Ana, Maynila ang biktima na palutang-lutang sa nasabing ilog na naging dahilan upang ipagbigay-alam sa pulisya.
Ang bangkay ay dinala ng pulisya sa St. Rich FuneÂral upang isalang sa awtopsiya at safe-keeping.
Samantala, isang bangkay pa ng di-kilalang lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa ilog Pasig na sakop ng Brgy. Pineda, Pasig City kahapon ng madaling-araw.
Ang biktima ay inilaraÂwang nasa edad na 25 hanggang 30-anyos, may taas na 5’7â€, malaki ang pangangaÂtawan, nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt na mayroong tatak na “Western Unionâ€, kulay brown na maong pants at may tattoo ng ‘BCJ 32’ sa kanang bahagi ng likod.
Batay sa report, dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang matagpuan ni Reynaldo Alarana ang bangkay sa ilog Pasig na sakop ng New MRR Road, Purok 4, Brgy. Pineda.
Kaagad namang humingi ng tulong sa mga barangay tanod si Alarana upang maÂiahon ang bangkay.
Lumitaw sa imbestigasÂyon na may ilang araw nang nakalutang ang bangkay ng biktima sa ilog dahil sa namamaga na ang katawan nito.
- Latest