Kelot pisak sa trailer truck

MANILA, Philippines -  Lasog ang isang lalaki  nang masagasaan ng isang trailer truck sa Yuseco St., sa Raxabago, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang biktima na kinilalang si Junior ‘Abok’ Antonio, 21, ay isa umanong ‘jumper boy’ o ang  umaakyat sa mga nagdaraang trailer truck sa kanilang lugar upang magnakaw ng anumang kargamento sa sasakyan.

Ayon sa ina ng biktima na si Mila Antonio, pabalik na umano ng Bataan ang kanyang anak kung saan natanggap ito sa trabaho bilang utilitiy man.

Gayunman, nakuhanan ng CCTV na nakainstila sa lugar kung saan nakitang  nalaglag  ang biktima sa sasakyan na umano’y kanyang  pinagnanakawan hanggang sa siya ay masa­gasaan.

Katapat din ng bangkay ng biktima ang isang liyabe  na pinaniniwalaang gamit nito sa pagnanakaw.

Sinabi naman ni PO2  Romeo Ricalde ng MPD Station 7 na maaaring ma­ka­suhan ng reckless im­prudence resulting to ho­micide ang driver ng truck na si Richard Saldivar.

Show comments