Wala kaming ‘pork’sa QC – VM Joy B

MANILA, Philippines - Niliwanag ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na wala siyang natatanggap na pork gayundin ng mga konsehal sa lungsod.

Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte bilang reaksiyon sa Commission on Audit report na noong 2010 hanggang 2011 ay gumamit daw  ang mga QC Councilors ng malaking pondo mula sa gobyerno para sa infrastructure project na hindi naman ito trabaho para hawakan  ng mga konsehal.

Ang isang konsehal sa QC ay may P200 milyong pondo kada taon.

“Their funds are earmark for specific programs and projects sa lungsod pero wala po kaming pork,” pahayag ni Belmonte.

Kaugnay nito,sinabi din ni QC 3rd district Councilor Pinggoy Lagumbay na walang natatanggap na pork ang sinumang konsehal sa lungsod.

Minsan mayroon anya silang nairerekomenda sa executive­ department para sa ilang mga proyekto at kung may tulong man ay hindi ito galing sa   pork barrel ng mga mambabatas.

Anya kung minsan nga ay nagmumula pa sa kanilang bulsa ang paglalaan ng tulong medikal  sa mga constituents pero ito ay maliit na halaga lamang na anyay P200 hanggang P300 lamang.

 

Show comments