MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang babae na nagpakilalang kawani ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos na mahuli sa entrapment operation dahil sa panloloko umano sa isang dentistang babae na hiningan nila ng malaking pera kapalit ang bibilhing prankisa para sa UV express sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Kinilala ni Supt. Limuel E. Obon, hepe ng Quezon City Police Station 10 ang mga suspect na sina Ma. Lourdes Navidad, 57, dalaga; at Lita Galera, 37, kapwa residente sa Brgy. Pinyahan sa lungsod.
Ayon kay Obon, ang mga suspect ay dinakip matapos na humingi ng tulong ang biktimang si Ma. Leonora Andya-Zoleta, 42, dentista ng Greentown Villas 1, Mambog Bacoor, Cavite City kaÂugnay sa paghingi ng pera ng mga suspect na umaabot sa P170,000 para sa paglalakad ng prankisa ng UV express.
Sinasabing nangako umano ang mga suspect sa biktima na maire-release ang prangkisa bago magtapos ang buwan ng September. Gayunman, naghintay ng dalawang buwan ang biktima bago muling inalam ang status ng kanyang ginastusang aplikasyon sa mga suspect pero hindi na tumutugon ang mga huli kahit sa tawag o teks.
Nitong Setyembre 13, 2013 nagkita ang biktima at mga suspect sa opisina ng mga huli at muling nangako na ang kopya ng petition for dropping and substitution ng unit para sa UV express franchise ay mailalabas sa pamamagitan ng email account ng una, pero muli itong nabigo.
Sa halip, nag-demand pa ang mga suspect sa biktima na bayaran sa madaling paÂnahon ang natitirang balanse nito na halagang P70,000 para mapaaga ang paglabas ng kanyang aplikasyon.
Dito na nagsumbong sa mga awtoridad ang biktima kung saan inihanda ang entrapment operation.
Naaresto ang mga suspect sa may Pizza Pao restaurant na matatagpuan sa Magalang St., Brgy. Pinyahan, ganap na alas- 11:30 ng umaga.