Erap namigay ng lupa

MANILA, Philippines -  Umaabot sa 79 na pamilya mula sa iba’t ibang distrito sa lungsod ng Maynila ang tumanggap ng lupa mula kay Mayor Joseph Estrada bilang bahagi ng  Land-for-the Landless Program.

Sa maikling seremonya, sinabi ni Estrada na tutuparin niya ang pangarap ng  bawat Manilenyo na magkaroon  ng sariling bahay at lupa.

Aniya, kailangan lamang ng mga Manilenyo na magtiis  dahil unti-unting tinutupad ng kanyang administrasyon ang  kanilang mga pangarap.

Kabilang sa mga nabiyayaan ng  lupa ay mula sa  Distrito 1, 2, 4, 5 at 6.

Show comments