MANILA, Philippines - Itinaas na sa P500,000 ang reward money na ibiÂbigay sa sinuman na makapagbibigay-impormasyon para maresolba at madakip ang mga salarin na pumaslang sa advertising executive na si Kristelle “Kae†Davantes.
Ito ay makaraang magÂlabas si Las Piñas City Mayor Vergel “Nene†Aguilar ng P300,000 sa pag-asang sa pamamagitan nito ay mapapabilis ang pagresolba sa kaso.
Nabatid na residente ng Brgy. Moonwalk sa Las Piñas City ang biktima at ang pamilya nito.
Una nang nagpalabas ang Task Force Kae ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ng P200,000 pabuya na buhat umano sa pag-aambagan ng mga hindi nagpakilalang indibidwal na nais tumulong na maresolba ang kaso.
Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang 25-anyos na si Davantes sa Manila Memorial Park sa Parañaque City nitong Linggo ng hapon.
Sinagupa ng daan-daang kaanak, kaÂibigan at mga katrabaho ang malakas na ulan bago tuluyang maipasok sa hukay ang ataul nito.
Kamakalawa, natagpuan din ang silver-beige na Toyota Altis nito sa Camella Homes sa Las Piñas. Tinangka umanong sunugin ng mga salarin ang kotse kung saan may natagpuang mga damit na binuhusan ng diesel at bote ng diesel.
Matatandaan na huÂling nakitang buhay si Kae noong ala-1 ng madaling- araw ng Setyembre 7 sa Bonifacio Global City at natagpuan ang bangkay sa Silang, Cavite noong Setyembre 8.