MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila City Hall-Civil Registry Officer-in-Charge Joey Cabreza na magiging madali na ang pag-aayos at pagkuha ng birth, death at marriage certificate ng mga nangangailangan nito matapos na ipatupad nila ang ‘one stop shop’ sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Joseph Estrada.
Ang paniniyak ay ginawa ni Cabreza, bunsod na rin ng ilang reklamo ng mga kumukuha ng certificate kung saan sobrang haba ang pila sa pagkuha at pagbabayad.
Subalit sa ngayong implementasyon ng ‘one stop shop’ hindi na aalis pa sa civil registry area ang sinumang applicant at sa halip ay magkakatabi lamang ang pagkuha ng application at bayaran ng certificate. Hindi tulad ng dati na kailangan pang pumunta at pumila sa Treasury Division at muling babalik sa civil registry.
Gayunman, nagbabala din si Cabreza sa kanyang mga tauhan na ipinatutupad din ang ‘one strike policy’ alinsunod sa kautusan ni Estrada.
Aniya, posibleng matanggal ang sinumang empleyado na mahuhuling nangongotong o nanghihingi ng mas malaki sa dapat na bayaran ng mga publiko sa pagkuha ng birth, death o marriage certificate.
Isa din sa nakikitang paraan ni Cabreza ay ang balasahan sa mga emÂpleÂyado kung saan nagiging pamilyar ang mga empleÂyado sa mga kumukuha ng certificate na humahantong na sa katiwalian.
Bunsod nito, sinabi ni Cabreza na pinag-aaralan na rin nila ang full computerization para maitala ang mga dokumento at hindi nakatiwangwang na kalaunan ay nasisira ng ulan at mga insekto.
“Kailangan lamang na maÂserbisyuhan ng maayos at mabilis ang publikoâ€, ani Cabreza.
Ang birth, death at marriage certificate ay makukuha lamang kinabukasan.