Negosyante patay sa holdap

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na hinihinalang mga holdaper, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University Hospital si Benito Yang, 52, ng Corregidor St., ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng tama ng bala buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa dibdib.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang krimen dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima.  Kauuwi pa lamang ng biktima at kabababa sa sa­sakyan nang sumulpot ang isa sa mga suspect at hablutin ang dala niyang bag na naglalaman umano ng hindi pa mabatid na halaga ng pera. Nakipag-agawan naman ang biktima hanggang sa sumulpot ang isa pang salarin at paputukan ito. Mabilis na nagsitakas ang dalawang salarin lulan ng isang motorsiklo dala ang bag ng biktima. 

May hinala ang pulisya na matagal nang sinusubaybayan ng mga salarin ang galaw ni Yang at isinagawa ang panghoholdap nang makakita ng tamang tiyempo.

Show comments